With You

Ang sarap sa feeling na you finally get to do what you want. Walang limitations. Walang hesitations. Wala nang overthinking sa bawat galaw. Yung hindi mo na kailangan itago lahat sa loob mo kasi ngayon… may isang taong totoong nakakaramdam ng nararamdaman mo. Someone who listens. Someone who understands. Someone who accepts every part of you, kahit gaano ka pa ka-complicated.

Dati, sanay akong kimkimin lahat. Marunong akong magpanggap na okay kahit hindi naman. Sanay akong ngumiti kahit pagod na. Sanay akong tumawa kahit mabigat na sa dibdib. I stayed quiet not because wala namang gustong makinig, but because I was scared na baka ma-misinterpret ako. Baka sabihin ang drama ko. Baka isipin na ang hirap kong intindihin.

Kaya I chose silence. Hindi dahil wala namang gustong makinig, kundi dahil wala akong lakas ng loob magsabi.

Pero nagbago ang lahat nung dumating siya.

Hindi siya yung tipong maraming sinasabi. Hindi rin siya yung pilit na pinapa-open up ako. Pero nandyan siya, lagi siyang nakikinig, kahit hindi ako marunong mag-explain nang maayos. Kahit paulit-ulit ang kwento ko, hindi siya nainip. Kahit magulo ako kausap, hindi niya ako tinatalikuran.

Doon ko naramdaman na safe ako.

Pwede pala akong magsabi ng totoo kahit hindi perfect ang pagkakabuo ng salita ko. Pwede pala akong magkwento nang wala sa hulog. Pwede pala akong maging ako. Hindi yung version na palaging okay, kundi yung totoo. Kahit may lungkot, kahit may takot.

With him, I felt safe. For the first time, I felt seen.

Mas gumaan ang pakiramdam ko. Hindi dahil nawala ang problema kundi dahil hindi ko na kailangan harapin mag-isa.

I don’t know what the future holds. Hindi ko alam kung saan kami dadalhin nito.

Pero isang bagay ang malinaw sa akin ngayon…

Dumating siya hindi para baguhin ako. Dumating siya para iparamdam sa akin na karapat-dapat akong mahalin kahit hindi ako perpekto.

And maybe that’s what real freedom feels like.

Not the absence of struggles, pero yung presence ng taong nananatili kahit hindi madali.

Leave a comment